MANILA, Philippines – Isa-isa nang naiuwi kahapon ang labi ng mga nasawing PNP-Special Action Force (SAF) mula sa Camp Bagong Diwa sa kani-kanilang mga probinsya.
Alas-8:00 kahapon ng umaga ay nasa 12 labi pa ng SAF commandos ang nasa kampo pero inilabas din ang walo sa mga ito na binigyan ng funeral honors.
Samantala ang mga labi nina PO3 Jenrel Narvas Kibete at PO3 Victoriano Nacion Acain ay inilabas bandang tanghali.
Ang labi naman nina Insp. Renie Tayrus at PO3 Vergel Villanueva, na kapwa taga Zamboanga ay nakatakdang iuwi ngayong Linggo.
Patuloy pa rin ang buhos ng mga nakikiramay sa nasabing kampo.
Ang mga nagtutungo ay nag-aalay ng mga bulaklak at panalangin.
Nabatid na 13 sa “Fallen 44” ay tubong Cordillera.