Hirit ng OSG sa isyu ng LRT, MRT fare hike kinontra
MANILA, Philippines - Naghain ng pagkontra ang grupong Bayan laban sa kahilingan ng Office of the Solicitor General (OSG) na mapalawig ang panahon ng pagsusumite nila ng tugon sa mga petisyon laban sa taas-pasahe sa Light Rail at Metro Rail Transit o LRT at MRT.
Ang opposition ay inihain ng Bayan, isa sa mga petitioner sa taas-pasahe sa LRT at MRT, sa Korte Suprema.
Partikular na kinontra ng grupo ang hiling ng OSG, na kumakatawan sa DOTC, na mapalawig ng 30 araw o hanggang Pebrero 23 ang pagsusumite nila ng komento.
Iginiit ng Bayan na wala namang sapat na batayan para payagan ang motion for extension ng kampo ng mga public respondent.
Sa mosyon ng OSG, ginamit nitong batayan sa hirit na extension ang 4 na araw na non-working day dahil sa pagbisita sa bansa ni Pope Francis.
Sa petisyon ng Bayan, hiniling nito na magpalabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order laban sa pagpapatupad ng taas-pasahe sa LRT at MRT.
- Latest