Mr. President, help us!

MANILA, Philippines - Ang mas nakaantig sa damdamin ng mga pulis ay ang mensahe ni Erica Pabalinas, biyuda ng nasawing si Sr. Inspector Ryan Pabalinas.

Sinabi ni Mrs. Pabalinas, dapat mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng kanyang asawa gayundin ang iba pang nakipagpalaban at nasawi sa pagtupad sa kanilang tungkulin.

“My husband gave his life for peace. I am asking for justice not only for my husband but for all who fought and fall. To our President, we seek your help to attain justice, Please Sir President, Please help us,” wika pa ni Mrs. Pabalinas.

Sinabi nito na dumaranas man siya ng matin­ding pighati ay hinihikayat pa rin nito ang mga kapwa nito nabiyuda na maging matatag para itaguyod ang kanilang mga anak.

“For the grieving wives, just like me, let us be strong for our children. Because behind every brave SAF trooper is a strong wife,” sabi pa nito.

Show comments