DNA umano ni Marwan ipinadala sa Amerika

MANILA, Philippines – Upang matiyak kung si Malaysian terrorist at bomb expert Zulkifli Abdhir alyas Marwan nga ang napatay ng Philippine National Police-Special Action Force ay ipinadala sa Amerika ang DNA sample niya upang masuri.

Ayon sa mga ulat, pinutol ng mga awtoridad ang isang daliri ni Marwan sa kanang kamay niya upang makuhaan ng DNA sample.

Bigong madala ng PNP-SAF ang labi ni Marwan dahil sa engkwentro nila sa mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at Moro Islamic Liberation Front sa Mamasapano, Maguindanao.

Umabot sa 44 pulis ang nasawi, kung saan ito ang pinakamalaking bilang ng mga namatay sa isang operasyon.

Show comments