MANILA, Philippines - Nabigo ang Pilipinas na makamit ang economic target nito para sa taong 2014.
Sinabi NEDA chief Arsenio Balisacan, ang rumehistro lamang na growth rate nitong ika-apat na bahagi ng 2014 ay 6.9 percent kaya umabot lamang sa 6.1% growth.
Target ng bansa na makakuha ng average na 6.5% hanggang 6.7% para sa nakaraang taon.
Ayon naman kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, dodoblehin ang gobyerno ang pagtatrabaho upang masiguro na lahat ng sektor ng lipunan ay makikinabang sa pag-unlad ng bansa sa larangan ng ekonomiya.
Gayunman, pumangalawa pa rin ang ekonomiya ng Pilipinas sa China na mayroong 7.3 percent growth rate habang nasa ikatlong puwesto ang Vietnam na mayroong 6% growth rate.
Wika pa ni Balisacan, nakamit pa rin ang pagbuti ng ekonomiya dahil sa pagsigla ng sektor ng agrikultura at industry and services sa nakaraang taon.
Sinabi pa ng NEDA chief, hindi na rin puwedeng tawaging sick man of Asia ang Pilipinas dahil sa napasiglang ekonomiya nito ng 2014.