^

Bansa

Erap ayaw labanan si Binay, Grace Poe sa 2016

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kahit maaaring tumakbo muli bilang Pangulo sa 2016, walang balak si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na labanan ang kanyang mga kaibigan.

Sinabi ni Estrada ngayong Martes na ayaw niyang banggain ang kaalyadong si Bise Presidente Jejomar Binay, habang respeto naman ang tinitignan ng alkalde sa ama ni Senador Grace Poe na si Fernando Poe Jr.

"I will not run against my friend, Jojo Binay, and I will not run against Grace Poe," wika ni Estrada sa ABS-CBN News Channel.

BASAHIN: Disqualification case ni Erap ibinasura ng SC

Ipinaliwanag ni Estrada na hindi lamang pagkakaibigan ang turing niya sa namayapa nang Hari ng Pelikulang Pilipino.

"I do not forget my friendship with her father. FPJ is more than a brother to me," dagdag niya.

Tumakbo sa pagkapangulo si Estrada nitong 2010, kung saan pumangalawa siya kay Pangulong Benigno Aquino III.

Kahit napatalsik sa pwesto si Estrada noong 2001 ay maaari siyang tumakbo muli sa pagkapangulo.

BISE PRESIDENTE JEJOMAR BINAY

ERAP

FERNANDO POE JR.

GRACE POE

JOJO BINAY

KAHIT

MANILA MAYOR JOSEPH

NEWS CHANNEL

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PELIKULANG PILIPINO

SENADOR GRACE POE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with