Tahong sa Pangasinan, Bataan bawal kainin
MANILA, Philippines - Ipinagbabawal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pagkain, paghango at pagbebenta ng mga shellfish meat tulad ng tahong, talaba at halaan mula sa mga baybayin ng Pangasinan at Bataan.
Ito ayon kay BFAR head Asis Perez ay dahil mataas pa rin ang toxicity level ng lason ng red tide sa naturang lugar.
Partikular na mataas ang lason ng red tide sa baybayin ng Milagros, Masbate, Bolinao, Anda, Alaminos, Wawa, Bani sa Pangasinan gayundin sa Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Orani, Abucay, Samal sa Bataan.
Pinaalalahanan ng BFAR ang mga local executives ng naturang mga lugar na magtulungang huwag makaabot sa mga palengke at ibang mga pamilihan ang shellfish mula sa naturang mga lugar upang makaiwas sa epekto sa katawan ng sinumang kakain nito.
Ang makakakain ng shellfish meat na may red tide ay maaaring magsuka, magtae, lagnatin at magkaroon ng impeksiyon sa balat at katawan. (Angie dela Cruz)
- Latest