45-araw na gun ban simula na bukas

MANILA, Philippines – Simula bukas ay ipatutupad na ng Philippine National Police ang 45-araw na nationwide gun ban kaugnay ng nalalapit na Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Sinabi ng PNP na pansamantala nilang isususpinde ang Permit to Carry Firearms Outside Residence habang ipinapatupad ang gun ban.

Sa 45-araw na gun ban ay 30 araw dito ay bago ang mismong halalan, habang ang 15 araw ay pagkatapos ng botohan.

Nakatakda ang SK elections sa Pebrero 21.

Hindi sakop ng gun ban ang mga sundalo at naka-unipormeng pulis na naka-duty.
 

Show comments