Disqualification case ni Erap ibinasura ng SC

MANILA, Philippines – Mananatili sa puwesto bilang alkalde ng lungsod ng Maynila si dating Pangulo Joseph “Erap” Estrada matapos ibasura ng Korte Suprema ang disqualification case laban sa kanya ngayong Miyerkules.

Nagtapos ang botohan ng mga mahistrado sa 11-3 upang ibasura ang inihaing reklamo ng abogadong si Alicia-Risos Vidal at dating alkalde Alfredo Lim.

Kinuwestiyon nina Vidal at Lim ang pagtakbo ni Estrada noong 2013 sa kabila nang pagkakakulong para sa kasong plunder.

Binigyan ng pardon ni dating Pangulo Gloria Macapagal Arroyo si Estrada noong 2007.

Show comments