^

Bansa

Mercado swak sa plunder

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bunga ng pag-amin ni dating Makati City Vice Mayor Ernesto Mercado sa Senado na siya ay tumanggap ng P80 milyon, isang pribadong indibidwal ang nagsampa laban sa kanya ng graft at plunder kahapon sa tanggapan ng Ombudsman.

Isang Louie “Barok” Biraogo, negosyante, dating aktibisita sa University of the Philippines (UP) na empleyado sa Santa Rosa, Laguna ang nagsampa ng kaso laban sa dating vice mayor.

Ayon sa complainant, wala siyang ibang hawak na ebidensya kontra sa dating bise alkalde ng Makati maliban sa mismong transcript ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa mga isyu kontra kay dating Makati Mayor at ngayo’y Vice President Jejomar Binay.

Umamin umano si Mercado sa mga pagdinig na tumanggap ng P80 milyon.

Nilinaw ni Biraogo na walang ibang nasa likod ng kanyang pagsasampa ng kaso. Ginawa anya niya ito dahil nakikitang tahimik ang taumbayan sa kabila ng mga inaming kamalian ni Mercado.

Umaasa si Biraogo na papansinin ng anti-graft court ang kanyang kaso bilang isang taxpayer.

Nilinaw naman ng complainant na wala siyang kaugnayan sa mga Binay.

AYON

BIRAOGO

ISANG LOUIE

MAKATI CITY VICE MAYOR ERNESTO MERCADO

MAKATI MAYOR

MERCADO

NILINAW

SANTA ROSA

SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with