^

Bansa

Rep. Tiangco magpa-drug test!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinabulanan ng pamahalaang lokal ng Taguig ang akusasyon na ginagamit nila ang kanilang pondo para sa patalastas sa telebisyon ni Sen. Alan Peter Cayetano.

Nag-ugat ito matapos hamunin ni United Nationalist Alliance interim president at Navotas City Rep. Tiangco si Cayetano na isiwalat kung sino ang nagpopondo ng kanyang primetime television ads.

"Rep. Tiangco continues to peddle lies against the detractors of his boss, Vice President Binay," wika ni Taguig City Councilor at spokesperson Darwin Icay ngayong Martes.

Sinabi ni Icay na walang pinagkaiba ang pagsisinungaling ni Tiangco sa ibinato noon kay dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado. Ikinalat umano ni Tiangco na binisita ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas si Mercado sa UERM Medical Center.

"At dahil sa ganitong mga akusasyon at mga gawa-gawang kwento, baka oras na upang magpa-drug test si Rep. Tiangco dahil malamang ay nagha-hallucinate na sya sa sobrang pag-atake sa mga kalaban at pagtatanggol sa boss niyang si VP Binay," dagdag ni Icay.

Dinepensahan pa ng konsehal si Cayetano na aniya'y sumasagot sa lahat ng itinatanong, taliwas sa pag-iwas ni Bise Presidente Jejomar Binay.

"Sen. Cayetano has always been at the receiving end of attacks and outrageous claims from those whom he has exposed, but he has never, and never will, waiver from his crusade against the corrupt," paliwanag ni Icay.

Binutasan ni Tiangco ang 15-seguno at 30-segundong commercial ni Cayetano na nagkakahalaga ng P500 milyon dahil sa “falsely advertising” sa Taguig City.

ALAN PETER CAYETANO

BISE PRESIDENTE JEJOMAR BINAY

CAYETANO

DARWIN ICAY

ICAY

MAKATI VICE MAYOR ERNESTO MERCADO

MEDICAL CENTER

NAVOTAS CITY REP

TAGUIG CITY

TIANGCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with