Solons duda sa kakayahan ng IT firm
MANILA, Philippines - Nagbabala ang dalawang Liberal Party (LP) solons kahapon na maaaring maging magulo ang 2016 election kapag ibinigay ng Commission on Elections (Comelec) ang P2 bilyong pisong kontrata para sa karagdagang supply ng optical mark reader (OMR) machines sa Spain-owned technology provider na Indra Sistemas.
Sinabi nina Quezon City Rep. George Banal at Citizens Battle Against Corruption party-list Rep. Sherwin Tugna na ang 2016 presidential at local elections ay hindi magiging kapani-paniwala kapag ini-award ng Comelec ang pagbili ng karagdagang voting machines sa mga wala pang karanasan at hindi pa nasusubukang IT provider company.
Sinabi ni Banal na bagama’t hindi siya pamilyar sa Indra, naniniwala siyang hindi ipagkakatiwala ng Comelec ang 2016 election sa isang kumpanyang may kuwestyunableng reputasyon. “I’m confident that Comelec will not entrust the 2016 elections to a company with questionable reputation and spotty track record,” ani Banal.
Ang nag-iisang malakihang kontratang nakopo ng Spain-owned technology provider na Indra Sistema’s ay ang 2013 Argentine polls project, subalit hindi ito kuwalipikado sa requirements na hinahanap ng Comelec para sa bidding ng P2 billion contract, ayon naman kay Smartmatic-Philippines lead counsel Ruby Yusi.
Sinegundahan naman ni Tugna ang pahayag ni Banal at sinabing kung salat sa karanasan ang IT provider, hindi magiging kapani-paniwala ang eleksyon. “It will always and will be continuously questioned,” ani Tugna.
- Latest