^

Bansa

HIV/AIDS cases tumaas

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinisi kahapon ng Malacañang ang pagtaas ng bilang ng HIV/AIDS cases noong nakaraang taon dahil sa pagkabigo ng mga biktima na mag-practice ng ‘safe sex’.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hindi nagpabaya ang gobyerno sa pagpapatupad ng kampanya nito laban sa HIV/AIDS.

Ayon kay Sec. Lacier­da, inulit ng Department of Health na tumaas sa humigit kumulang 500 katao ang nahawaan ng HIV, kabilang ang 40 kaso ng AIDS sa loob lang ng isang buwan noong 2014.

Aniya, naitala ng National Epidemiology Center ng DOH ang may 5,502 Pilipino ang posi­tibo sa HIV/AIDS simula  Enero hanggang Nob­yembre 2014 habang 10 sa HIV patients ay namatay.

Idinagdag pa ni Lacier­da na hindi nagkulang ang gobyerno sa paalala sa taumbayan dahil patuloy naman ang kampanya ng DOH kontra sa HIV/AIDS.

ANIYA

AYON

DEPARTMENT OF HEALTH

ENERO

HIV

IDINAGDAG

NATIONAL EPIDEMIOLOGY CENTER

PRESIDENTIAL SPOKESMAN EDWIN LACIERDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with