2 Pinoy sugatan sa air strike sa Libya

MANILA, Philippines – Dalawang tripulanteng Pinoy ang nasugatan sa madugong air strike sa Libya.

Kinilala ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga sugatan na sina Second Engineer Ricardo Makiramdam at si Seaman Leonel Juerto.

Inoperahan si Makiramdam para matanggal ang bumaong shrapnel sa tiyan habang sa paa inoperahan si Juerto dahil sa sugat na tinamo sa shrapnel.

Kabilang ang dalawa sa 22 Pinoy na lulan ng binombang oil tanker.

Nagpahayag na umano ng interes ang dalawa na makabalik sa bansa.

Nananatili ang alert level 4 sa Libya at patuloy pa rin ang mandatory repatriation sa mga Pinoy na nasa naturang bansa.

Show comments