^

Bansa

Panukalang iwas cancer, isinulong ni Miriam

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil nararanasan niya ang pagkakaroon ng sakit na cancer, isang panukalang batas ang isinusulong ni Senator Miriam Defensor-Santiago na naglalayong tuluyang i-ban ang mga produktong nagtataglay ng asbestos sa bansa na ayon sa mga scientists ay isang “ca­tegory A carginogen.

Sa Senate Bill 2471 na inihain ni Santiago, nais nitong tuluyang ipagbawal  ang  importasyon, paggawa, processing at distribusyon ng mga produktong may asbestos dahil lubha itong delikado sa kalusugan.

Kahit aniya ang napa­kaliit ng exposure sa asbestos ay maari pa ring makasama at makapagdulot ng sakit.

Ipinaliwanag ni Santiago na maraming mga tao ang naniniwala na hindi delikado ang exposure sa asbestos na ginagamit sa mga bagong commercial products katulad ng roofing products, coatings, at friction products.

Ayon kay Santiago, milyon-milyong manggagawang Filipino ang exposed sa mataas na level ng asbestos at ma­ging ang pamilya ng mga ito ay nagkakaroon rin ng exposure.

Ang asbestos ay ipinagbawal na sa nasa 40 bansa kabilang na ang Argentina,  Australia, Austria, Belgium, Chile, Croatia, the Czech Republic, Denmark, Estonia, Finland, France, Germany, Iceland, Ireland, Italy, Japan, Latvia, 1 Lu­xembourg, Netherlands, Norway, Poland, Portugal, Saudi Arabia, Slovak Republic, Spain, Sweden, Switzerland, at sa United Kingdom.

Ipinagbawal na rin ito sa buong European Union noong 2005.

Matatandaan na mismong si Santiago ang uma­min sa media na nila­labanan niya ngayon ang sakit na cancer kaya halos hindi na ito dumadalo sa mga sesyon ng Senado.

 

CZECH REPUBLIC

EUROPEAN UNION

SA SENATE BILL

SAUDI ARABIA

SENATOR MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

SLOVAK REPUBLIC

UNITED KINGDOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with