^

Bansa

Pulitiko, 1 pa ‘no show’ sa NBI

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi  lumutang  kahapon sa Nationall Bureau of Investigation (NBI) ang dalawa sa tatlong persona­lidad na sinasabing nagmamay-ari ng mga baril na nasamsam sa kubol ng convicted bigtime druglord na si Peter Co  sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) nang magsagawa ng sorpresang inspeksiyon ang mga awtoridad sa pangunguna ni Justice Secretary Leila de Lima.

 Tanging si Vicente Alindada Jr., konsehal sa Sangandaan, Caloocan City ang dumating sa NBI at nagbigay ng paliwanag na ang kaniyang baril na narekober kay Peter Co ay nawawala  o nanakaw noong Oktubre 10. Siya ang nadiskubreng nagmamay-ari ng 9mm Browning pistol na hawak na ngayon ng NBI.

 Sina Carlitos Tiquia  na talunang congres­sional candidate sa Valenzuela City noong 2013 ang lu­ma­­­labas na may-ari ng Bushmaster rifle at isang Avelino Nicanor,  empleyado ng gobyerno na may koneksiyon diumano sa Bureau of Corrections (BuCor) ang nakarehistrong may-ari ng 9mm Browning pistol, na kabilang sa 5 narekober kay Co.

 Inaasahang isusunod na ang pagpapatawag ng NBI  kay Rep. Joaquin Carlos Rahman Nava  ng Gui­maras  na may-ari naman ng .22 Walther pistol na nakumpiska kay Co.

 Ang isa pang baril na narekober kay Co ay isasalang umano ng NBI sa macro-etching dahil nabura na ang serial number nito.

 

vuukle comment

AVELINO NICANOR

BUREAU OF CORRECTIONS

CALOOCAN CITY

JOAQUIN CARLOS RAHMAN NAVA

JUSTICE SECRETARY LEILA

NATIONALL BUREAU OF INVESTIGATION

NEW BILIBID PRISON

PETER CO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with