^

Bansa

Mekaniko dinedo ng welder

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa kulungan sasalubong ng Bagong Taon ang isang welder makaraang madakip ng pulisya matapos na saksakin at mapatay ang isang mekaniko kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Kinilala ni Valenzuela City Police chief, Senior Supt. Rhoderick Armamento ang nadakip na suspek na si Gabino Sargie Jr., ng Block 2C Molina St., Brgy. Viente Reales, ng naturang lungsod.

Hindi naman umabot nang buhay sa Valenzuela City Hospital ang biktimang si Josenio Pablo, 32, ng C. Molina St., ng naturang barangay.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas-7 ng gabi sa kahabaan ng Block 2C Molina Street.  Dalawang saksi na itinago ang pangalan ang napadaan sa lugar at nakita ang pananaksak ng suspek kay Pablo.  Narinig pa umano nilang nagmamakaawa ang biktima sa suspek at saka mabilis na tumakas.

Mabilis namang sinaklolohan ng mga residente ang biktima at isinugod sa pagamutan ngunit nalagutan din ito ng hininga.  Nasakote naman ng mga unang rumespon­deng barangay tanod ang suspek at nakumpiska rin ang duguang patalim na ginamit sa pamamaslang, berdeng jacket, short pants sa bahay ng suspek.

Nahaharap ngayon si Sargie sa kasong murder habang inaalam pa ng mga imbestigador ang motibo ng naturang pamamaslang. 

 

vuukle comment

BAGONG TAON

GABINO SARGIE JR.

JOSENIO PABLO

MOLINA ST.

MOLINA STREET

RHODERICK ARMAMENTO

SENIOR SUPT

VALENZUELA CITY

VALENZUELA CITY HOSPITAL

VALENZUELA CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with