Indra kinuwestyon ang pagsali sa Comelec bidding

MANILA, Philippines - Kinuwestyon ng Smartmatic–Total Information Management (TIM) Corp. kung karapat-dapat ang Indra Sistemas S.A. na lumahok sa 2nd stage ng public bidding ng Commission on Election (Comelec) para sa karagdagang 23,000 Optical Mark Reader (OMR) units na gagamitin sa 2016 polls.

Sinabi ni Smartmatic-TIM lead counsel Ruby Yusi na kuwestyunable kung paanong nadeklarang  eligible ang Indra gayong nabigo ang naturang Spanish company na magtalaga ng local na kinatawan sa bidding.

“Indra may not have the legal basis or legal personality to transact business with Comelec,” ani Yusi ng ACCRA Law.

Ayon dito, nabigo ang Indra na magsumite ng board resolution na nagtatalaga ng local branch office nito bilang kinatawan sa bidding process.

“Indra instead submitted a board resolution literally outdated as far back as 2008, just proving the authority to establish a branch office in the Philippines. There is no indication that the authority pertains to the bidding for the 2016 elections,” paliwanag pa ni Yusi.

Dagdag pa rito, sinabi rin ng abogado ng multinational company na bigo rin ang Indra’s head office na magpakita ng tax clearance certificate mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Binigyang diin pa ng Smartmatic-TIM na ang Secretary’s Certificate na isinumite ng isa sa mga subcontractor ng Indra ay hindi notaryado.

 

Show comments