^

Bansa

AFP tutulong sa paghahanap ng missing plane

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakahanda ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na tumulong sa isi­nasagawang search and rescue operations sa AirAsia plane na nawala kamakalawa habang nasa himpapawid sanhi ng masamang lagay ng panahon galing Indonesia patu­ngong Singapore.

Ayon sa ulat, pina­ngangambahan namang bumagsak ang AirAsia plane (QZ8501) Air Bus A320-200 na may lulang 162 katao sa bahagi ng Java Sea sa Indonesia na nasasaklaw ng Southeast Asia matapos itong mawala.

Tulong-tulong na ang ibat ibang bansa sa search operations sa nawawalang eroplano ng AirAsia. Walang Filipino na lulan ang nasabing flight.

Sinabi ni AFP Spokesman Col. Restituto Padilla, ipinag-utos nina Defense Sec. Voltaire Gazmin at AFP chief Gen. Gregorio Pio Catapang Jr. na tumulong ang AFP matapos mabatid ang pagkawala ng Air Asia plane.

“Our men and women should be on the lookout for possible unusual sightings and these should be reported immediately.  The intent is provide appropriate feedback to Indonesian authorities,” ani Padilla.

Samantalang inalerto rin ang lahat ng naval at air assets na magsipaghanda sakaling makatanggap ang pamahalaan para tumulong sa search and rescue mission.

Sinabi naman ni Lt. Col. Ernesto Canaya, Air Force spokesman, na kung sakali ay maari namang pakilusin ng PAF ang kanilang C130 para sa malawakang pagha­hanap sa mga posibleng survivors sa trahedya sa sandaling iutos ito sa kanila ng Malacañang.

Magugunita na noong Marso ng taong ito ay pinakilos rin ng PAF ang mga eroplano nito na tumulong sa search mission sa mga survivors ng bumagsak na Malaysian Airlines flight MH 370 na may lulang 239 katao matapos magtake-off mula Kuala Lumpur patungo sanang Beijing.

Samantalang noong Hulyo ay bumagsak ang isang Malaysian Airlines matapos ma-target ito ng air missile sa hilagang silangan ng Ukraine na ikinasawi ng 298 kataong  lulan nito.

AIR ASIA

AIR BUS

AIR FORCE

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

DEFENSE SEC

ERNESTO CANAYA

GREGORIO PIO CATAPANG JR.

JAVA SEA

MALAYSIAN AIRLINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with