MANILA, Philippines – Isang volunteer teacher ang sumulat at umapela sa Santo Papa ng kalayaan.
Humingi ng tulong si Rhea Pareja kay Pope Francis na makalaya silang 491 political prisoners sa bansa.
"I believe that we are one in the cause of justice for the poor people. With this, I appeal for your help for the release of all political prisoners in the Philippines," nakasaad sa liham ni Pareja sa Santo Papa.
Ikinuwento ni Pareja sa kanyang liham na itinanim sa kanya ang mga ebidensya sa kasong illegal possession of firearms and explosives.
Bukod dito ay nakaranas din umano siya ng physical at psychological torture sa halos limang taon niyang pagkakakulong.
Ilan pa sa umapela sa Santo Papa ay sina Maria Miradel Torres at Andrea Rosal na kapwa buntis nang inaresto.
Kasalukuyan silang nakakulong sa Female Dormitory ng Taguig City Jail sa Camp Bagong Diwa kasama ni Pareja.