Hingi ng mga grupo maawa sa hayop

MANILA, Philippines - Maawa naman kayo, maging mahabagin, ang paputok ay nakakapinsala sa hayop.

Ito ang daing ng grupong ecowaste at animal welfare advocates sa publiko na huwag nang gumamit ng paputok o anumang pyrotechnics sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Sa pagsasama-sama ng grupong ecowaste at miyembro ng Animal Kingdom Foundation Inc.(AKF), Compassion and Responsibility for Animals (CARA welfare Philippines ) at ang Philipping Pug Lovers Club ay ipinakita ng mga ito ang pagmamahal sa kanilang mga alagang aso.

“Kung ang tao ay maaaring tumagal sa tunog ng taunang pagsasaya sa Bagong taon na meron tayo, hindi nating maaring masabi ito sa mga alagang hayop at mga ligaw na hayop na may tengang madaling makarinig at walang magawa sa buong pagsubok,” ayon kay Aileen Lucero, national coordinator ng Ecowaste Coalition.
Aniya, ang malakas na pagsabog, ingay  at nakakabulag na ilaw at nakakapigil hiningang usok ay makakasira sa mga sensetibong tenga, ilong at mata ng mga hayop.
Gayundin, ang biglaang pagsabog ng paputok ay nagbibigay ng takot naman sa mga hayop na tulad ng ibon, pusa at mga aso, at nagdudulot din ng matinding stress tulad ng sakit sa tiyan, pagkawala ng ganang kumain, at pagbaba ng pakiramdam na nagreresulta sa pagkakasugat o pagkawala ng mga hayop.

 

Show comments