MANILA, Philippines - Nakapagbukas ang Social Security System (SSS) ng 38 mga bagong opisina sa iba’t ibang panig ng bansa ngayong taong 2014.
“Bringing SSS closer to over 31 million members is among our top priorities hence establishing more offices across the country is one of our primary thrusts to better serve their needs. We also hope that this increased access and visibility will also encourage more people to join SSS,” pahayag ni President at Chief Executive Officer Emilio De Quiros Jr.
Idinagdag pa nito na sa bagong 38 SSS offices nationwide, 25 dito ay full-service branches, habang ang 13 ay mga service offices na nailagay sa mga malls.
Sinabi ni De Quiros na sa NCR, 14 na bagong branches ang nailagay at tatlong service offices, sa Luzon may anim na bagong branches at apat na service offices, sa Visayas ay may bagong tatlong branches at tatlong service offices at sa Mindanao ay may bagong dalawang branches at tatlong service offices.
Bago matapos ang taong 2014, ang SSS ay may 264 na opisina sa buong Pilipinas na matatagpuan sa NCR (61); Luzon (119); Visayas (41), at Mindanao (43).
Mayroon din anyang piling SSS branches ang nakabukas tuwing araw ng Sabado ito ay sa Diliman-QC, Makati-Ayala, at Makati-Gil Puyat sa NCR; Cebu, Lapu-lapu, Bacolod at Iloilo sa Visayas; at Cagayan de Oro, Davao at Zamboanga sa Mindanao.