MANILA, Philippines - Nais ni Senator Miriam Defensor-Santiago na magkaroon ng batas na magbibigay ng proteksiyon sa mga entrepreneurs na nais pumasok sa negosyong franchising.
Sa Senate Bill 2514 na inihain ni Santiago, sinabi nito na ang Pilipinas ngayon ang itinuturing na ‘franchise hub’ ng Southest Asia at pang-lima sa buong mundo sa dami ng mga ‘franchisees’.
Panahon na aniya para magkaroon ng batas na magbibigay naman ng proteksiyon sa mga kumukuha ng franchise para magkaroon ng negosyo.
“With the franchising industry thriving, it becomes imperative for the Legislature to ensure that entrepreneurs who wish to engage in franchising are protected,” ani Santiago.
Sinabi ni Santiago na taliwas sa ibang bansa, kulang ang Pilipinas sa batas na nagre-regulate ng commercial franchising kaya maraming mga Pinoy ang nagiging biktima dahil sa hindi nabibigyan ng tamang impormasyon.
“Unlike most countries, the Philippines lacks a comprehensive law regulating commercial franchising. The absence of such law permits the proliferation of incidents of franchisees being victimized by fraud and misinformation,” ani Santiago.
Kapag naging ganap na batas ang panukala, ito ay tatawaging “The Fair Franchising Act” kung saan magkakaroon ng regulasyon sa commercial franchising at bibigyan ng proteksiyon ang mga nais magnegosyo laban sa mga mapanloko at hindi fair ng nagbebenta ng franchises.