Pagbibitiw ni Lacson tinanggap na ni PNoy

MANILA, Philippines - Tinanggap na ni Pangulong Aquino ang pagbibitiw ni rehabilitation czar Sec. Panfilo Lacson matapos ang kanilang pagpupulong kamakalawa sa Malacañang.

Sinabi ni Communicatios Sec. Sonny Coloma,  ang pagbibitiw ni Lacson ay nakapaloob sa isinumite nitong comprehensive report kay Pangulong Aquino noong nakaraang linggo.

“We agreed in principle to wind up my duties as PARR by Feb. 10, when I shall have completed the transition to NDRRMC (National Disaster Risk Reduction and Management Council), where the four-phase cycle of addressing disasters rightfully belongs,” ayon sa text message ni Lacson.

Sinabi ni Lacson na dapat ay isama na lamang sa NDRMMC ang trabaho ng rehabilitation and recovery.

Show comments