2 Pinoy patay sa car crash sa Bahrain
MANILA, Philippines – Dalawang Pilipino ang namatay at dalawa pa nilang kababayan ang nasugatan nang bumaligtad ang sinasakyan nilang kotse sa Segaiya sa Bahrain nitong Lunes ng umaga, ayon sa lokal na pahayagan dito na Gulf Daily News.
Kinilala sa ulat ang mga biktima na sina Ronald Benedict Mariano at Jenelyn Dumlao Ambre, 33.
Bahagya namang nasugatan ang kapwa nila mga Pilipino na sina Judy Ann Cruz at Fernando Cortez Palma.
Ayon sa ulat, naganap ang aksidente bandang alas-5:00 ng umaga sa Oman Avenue sa Segaiya malapit sa Mothercare. Ilang beses umanong bumaligtad ang kotse bago huminto.
Nalagutan agad ng hininga si Ambre habang naisugod pa sa Salmanida Medical Complex si Mariano bago namatay.
- Latest