^

Bansa

730 special permit, naipalabas ng LTFRB ngayong holiday season

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot sa 730 special permit ang naipalabas ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa mga Metro Manila buses na nais na pumasada sa mga lalawigan ngayong holiday season.

Ayon kay  Engr. Ronaldo Corpuz, boardmember ng LTFRB, ang naipamigay na special permit ay epektibo kahapon Disyembre 22  at magtatapos hanggang Enero 3, 2015. Sinabi ni Corpuz na ang mga nabigyan ng special permit ay yaong mga Metro Manila buses na nag-apply sa ahensiya noong unang linggo ng Disyembre ng taong ito. Ang bawat special permit ay may halagang  P260.00 sa  kada bus at dagdag na P70.00 naman ang bayad sa dagdag na unit na kasama sa isang franchise.

Kaugnay nito, binalaan ni Corpuz ang mga pampasaherong sasakyan na  magsasamantalang pumasada sa labas ng Metro Manila na walang permit ang mga ito ay huhulihin na may kaakibat na multa.

“Kung wala silang special permit at ang franchise nila ay Metro Manila ay hindi sila maaaring  pumasada sa mga probinsiya dahil tiyak magpe-penalty sila” pahayag ni Corpuz. (Angie dela Cruz)

Ang pagpapalabas ng special permit ng LTFRB sa mga pampasaherong sasakyan ay taunang naisagagawa tuwing holiday season upang punan ang malaking pangangailangan sa sasakyan dahil sa dagsa ng mga pasaherong tutungo sa kanilang mga lalawigan para doon ipagdiwang ang pasko at bagong taon.

ANGIE

AYON

CORPUZ

CRUZ

DISYEMBRE

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

METRO MANILA

PERMIT

RONALDO CORPUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with