P2.6-T budget pipirmahan ngayon ni PNoy

MANILA, Philippines - Ngayon lalagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang 2015 General Appropriations Act (GAA) na nagkakahalaga ng P2.606 trilyon.

Naunang inaprubahan ng bicameral conference committee ang 2015 national budget na may kabuuang halaga na P2.606 trilyon.

Iginiit ng Palasyo na walang nakasingit na pork barrel sa nasabing 2015 national budget taliwas sa akusasyon ng ilang kritiko ni Pangulong Aquino.

Sa isang simpleng seremonya na inaasahang dadaluhan nina Speaker Feliciano Belmonte Jr., Se­nate President Franklin Drilon at mga mambabatas sa Malacañang ay pormal nang lalagdaan ni Pangulong Aquino ang 2015 national budget upang maging ganap na batas.

Show comments