Garin acting DOH sec. pa rin Ona wala pang kapalit
MANILA, Philippines – Wala pang napipiling kapalit si Pangulong Aquino sa nagbitiw na si Health Secretary Enrique Ona kaya mananatili pa rin bilang acting secretary si Usec. Janette Garin.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda. “status quo” muna ngayon sa DOH hangga’t wala pang inihahayag na papalit kay Ona.
“The President has not yet decided on who to appoint (as) the successor to Secretary Ike Ona, so ang mangyayari status quo muna tayo ngayon. Si Acting Secretary Janette Garin will still be—sorry—Usec. Janette Garin will be the Acting Secretary of Health until any permanent appointment has been announced,” pahayag ni Lacierda.
Tumanggi naman si Lacierda na sabihin ang rason ng Pangulo sa pagtanggap nito sa resignation letter ng dating kalihim.
Hindi rin anya nila alam maging ang dahilan ni Ona sa pagbibitiw sa pwesto at wala siyang kopya ng sulat nito sa Pangulo.
Sinabi ni Lacierda na pinag-aaralan na ng Malakanyang ang ulat hinggil sa maanomalyang pagbili ng DOH ng bakuna kontra pulmonya sa ilalim ng liderato ni Ona.
Tiniyak naman ng palasyo na patuloy ang serbisyo ng DOH sa publiko kahit nagbitiw ang kalihim ng kagawaran.
- Latest