^

Bansa

CAAP may notice sa Papal visit

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpalabas ng Notice to Airmen (NOTAM) ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para sa ‘restrictions’ ng commercial flights sa Ninoy Aquino International Airport at Daniel Z. Romualdez Airport sa pagbisita ng Santo Papa sa Enero 15-19, 2015.

Ayon sa ulat, sa Ene­ro 15, ang dalawang runway sa NAIA, primary runway na 06/24 at ang secon­dary runway 13/31, ay sarado sa lahat ng arriving flights samantala ang departing flights ay papayagan para lumipad mula 2:00 pm hanggang 5:15 pm.

Simula 5:15 pm hanggang 6:15 pm, ‘no fly zone’ ang ipapatupad at wala ring air traffic ang i-accommodate dahil sa pagdating ng eroplanong sasakyan ni Pope Francis dakong alas 5:45 ng hapon.

Sa Enero 17, sa pagpunta ni Pope Francis sa Tacloban, ang Daniel Z. Romualdez Airport ay sarado sa lahat nang air traffic simula nang alas 6:00 am hanggang 9:00 pm, liban sa eroplanong sakay ang papal entourage samantala ang NAIA runways ay mu­ling isasara dakong 7:45 am hanggang 8:45 am, dahil bandang 5:45 pm o 6:45 pm ay parating ang eroplanong sinasakyan ng Santo Papa sa NAIA galing Tacloban.

Sa pag-alis ng bansa ni Pope Francis sa Janua­ry 19 papuntang Rome, papayagang umalis mula alas 6:00-9:30 ng umaga ang ibang eroplano sa NAIA runway samantala ipatutupad muli ang “no fly zone” dakong 9:30 am hanggang 10:30 am dahil ito ang oras ng pag-alis ng Santo Papa sa pagtatapos ng kanyang apat na araw na pagdalaw sa bansa.

AYON

CIVIL AVIATION AUTHORITY OF THE PHILIPPINES

DANIEL Z

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

POPE FRANCIS

ROMUALDEZ AIRPORT

SA ENERO

SANTO PAPA

TACLOBAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with