^

Bansa

PNoy kay De Lima: Bawiin ang Bilibid sa high-profile inmates

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inutos ni Pangulong Benigno Aquino III kay Justice Secretary Leila de Lima na bawiin ang New Bilibid Prison (NBP) sa mga maimpluwensyang preso.

"Ang pinaka-marching order n'yan, planuhin daw lahat para ma-reclaim ang buong NBP from the grasp and control of these moneyed and influential inmates. Reclaimed," wika ni De Lima sa kanyang paanayam sa  "Bandila" ng ABS-CBN kagabi.

Nitong Lunes ay natagpuan sa loob ng maximum security compound ng NBP ang magagarang selda na may air-conditioner, bathtubs, telebisyon na pagmamay-ari ng 19 na high-profile inmates.

Naniniwala si De Lima na sinusuhulan o binabantaan ng mga maimpluwensyang preso ang jail guards at mga opisyal ng Bureau of Corrections.

"Sa nakita natin, hindi ko lang masabi up to what extent, pero I'm sure it's a substantial degree na ganoon nga na virtually untouchable nga sila dahil ipino-protektahan din sila ng mga various gangs," paliwanag ng kalihim.

"So 'pag tinatakot probably hindi nape-perahan o hindi nako-korap pero tinatakot, including their family, kaya tumatahimik na lang, nagbibingi-bingihan na lang, nagbubulag-bualagan na lang," dagdag niya.

Sinabi pa ni De Lima na naalarma ang Pangulo matapos malamang may matataas na kalibre ng baril sa loob ng mga selda.

"D'yan na-alarma nang husto ang ating pangulo. And in fact kanina inulit n'ya sa akin na, 'I really want know the source of the firearms at bakit nakapasok 'yan d'yan'," aniya.

BANDILA

BUREAU OF CORRECTIONS

DE LIMA

INUTOS

JUSTICE SECRETARY LEILA

NANINIWALA

NEW BILIBID PRISON

NITONG LUNES

PANGULONG BENIGNO AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with