CA sa Meralco: P5-B refund ibalik sa customers

MANILA, Philippines - Inatasan ng Court of Appeals ang Manila Electric Co. (Meralco) na ibalik sa customers ang P5 bilyon refund na nakuha nito mula sa Power Sector Assets and Liabilities Management Corp. (Psalm) at sa National Power Corporation (Napocor) na nagresulta sa sob­ra-sobrang bayad mula 2006 hanggang 2012.

Sa 20 pahinang desisyon ng CA Special Second Division, pinagtibay ng Energy Regulatory Commission ang desis­yon noong Marso 4 at Hulyo 1, 2013 na nagsasabing kailangan na mairefund ang binayad ng may 5.4 million customers.

Inatasan ng ERC ang Meralco na ibalik sa customers sa pamamagitan ng  automatic deductions ang sobrang ibinayad ng mga customers.

Sinabi ng CA na hindi nila maaaring pagbigyan ang kahilingan ng PSALM na pigilan ang ERC hinggil sa P5-billion refund.  

 

Show comments