MANILA, Philippines - Nagawa pa ng isa sa mga high profile inmate na si Herbert Colanggo ang kanyang music video sa loob ng New Bilibid Prison.
Sa YouTube page ni Colanggo, nakita ang video nito ng awiting “Pa’no ‘Yon” na napansing kinunan sa nadiskubreng music studio nito.
Una nang naiulat na nasa loob mismo ng kubol ni Colanggo ang naturang music studio, at mayroon pa itong sariling opisina roon.
Ikinatwiran ng inmate na donasyon ng kanyang mga kaanak ang natagpuang cash sa kanyang mga vault habang ang mamahaling appliances ay regalo ng tiyuhing kongresista.
Si Colanggo ay convicted robbery gang leader na sinentensyahan ng 12-14 taong pagkakulong mula 2009.
Pero nakapag-release pa ito ng album nitong Marso 2014 at carrier single.
Sa nakalipas na PEP report, sinabi ni Colanggo na gusto niyang maging inspirasyon sa mga kapwa-preso para pagyamanin ang kakayahan at talento kahit nasa loob ng Bilibid.