MANILA, Philippines – Umapela ang bagong panganak na babaeng preso kay Pope Francis na palayain siya sa Taguig City Jail sa loob ng Camp Bagong Diwa sa lungsod ng Taguig.
"I long for freedom for the sake of my baby who needs to be with me so I can take care of him after his birth. I hope you can help me," nakasaad sa liham ni Maria Miradel Torres para sa Santo Papa.
Tatlong-buwang buntis si Torres nang dakipin siya ng mga awtoridad nitong Hunyo 20 para sa kasong murder at frustrated murder.
"I could not think doing the things they have charged against me.I am just an ordinary citizen and a single mother who will provide for my child," dagdag niya.
Isinulat ni Torres ang liham ilang linggo bago siya mangana sa 2.8-kilogram na lalaking sanggol nitong Nobyembre 19 sa Philippine General Hospital (PGH).
Binigyan ng dalawang buwan si Torres ng Infanta Regional Trial Court Branch 55 na manatili sa PGH para maalagaan ang kanyang anak.