PNoy dumalo sa kaarawan ni Villar

MANILA, Philippines – Dumalo kahapon si Pangulong Aquino sa misang idinaos para sa ika-65 kaarawan ni dating Senador Manny Villar sa Las Piñas City.

Ang misa ay idinaos sa Sanctuario de San Exekiel kung saan kasamang dumating ng Pangulo si Public Works and Highway Secretary Rogelio Singson.

Sa kanyang mensahe pinuri ng Pangulo ang dating senador dahil sa kayang pagiging mapagpa-kumbaba at sa kanyang ipinakitang “sportsmanship” matapos matalo sa nakaraang 2010 presidential race in 2010.

Matatandaan na si Villar ang naging mahigpit na kalaban ng Pangulo pero agad rin nitong tinanggap ang pagkatalo ng makitang nangunguna na sa bilangan si Aquino.

Ipinaalala rin ng Pa­ngulo sa kanyang mensahe na agad ring nag-alok ng tulong si Villar sa Aquino administration matapos ang eleksiyon.

Dumalo rin sa misa si Sen. Cynthia Villar, kung saan inihayag nito ang retirement pay ni Sen. Manny Villar ay ido-donate sa isang proyekto sa Balanga, Bataan.

Nagmula sa Orani, Bataan ang pamilya ng dating senador.

Show comments