CGMA pinayagang magpa-mammogram

MANILA, Philippines - Pinayagan ng Sandi­ganbayan 1st Division ang hirit ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo na sumailalim sa digital mammogram sa Makati Medical Center sa Disyembre 18.

Sa mosyon ng kampo ni Rep. Arroyo, kailangan nitong magpa-mammogram dahil high risk siya sa pagkakaroon ng breast cancer lalo’t nagkaroon nito ang kanyang ina.

Nakasaad pa sa kanyang 3-pahinang mosyon ang rekomendasyon ng kanyang doktor na si Dr. Theresa Lopez na dapat taun-taon ay sumasailalim siya sa mammogram.

Wala umanong sapat na kakayahan ang Ve­terans Memorial Medical Center (VMMC), kung saan naka-hospital arrest ang dating pangulo na isa­gawa ang mammogram kaya sa Makati Med nila ito hiniling na gawin sa Dis. 18 (Huwebes) 2-4 ng hapon.

Matapos ang procedure, agad ibabalik sa VMMC si Arroyo.

Show comments