2-storey house, swimming pool sa Bilibid sisiyasatin

MANILA, Philippines - Nakatakdang bisitahin ni Justice Secretary Leila de Lima ang New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City upang makita ang sinasabing two-storey house at swimming pool na sinasabing pagmamay-ari ng mga high-profile inmates.

Ayon kay de Lima, nais niyang maberipika kung totoo ang pahayag ng ilang NBP officials na hindi sa convicted inmate na si Amin Imam Boratong ang nasabing bahay at swimming pool.

Nahatulan si Boratong noong 2006 dahil sa  operas­yon ng shabu tiangge sa Pasig City. Dapat aniyang pagsilbihan ni Boratong ang sentensiya sa kanya sa loob ng NBP subalit sinasabing sa bagong tayong bahay ito naglalagi.

Isa pa umanong inmate na nakilala lamang sa pa­ngalang Sebastian na nahatulan din sa drug trafficking at dapat ay nasa Dormitory 9-C1, ay mayroon umanong 10 by 15-meter swimming pool sa likod ng NBP compound.

Show comments