^

Bansa

Vigan, world’s new wonders!

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Idineklara ang Vigan, Ilocos Sur na isa sa mga pitong siyudad sa buong mundo na kinikilalang “world’s new wonders”.

Base sa report, napasama ang 16th century city ng Vigan sa listahan ng New 7Wonders Cities kasama ang mga siyudad ng Beirut sa Lebanon, Doha sa Qatar, Durban sa South Africa, Habana sa Cuba, Kuala Lumpur sa Malaysia at La Paz sa Bolivia.

Ang anunsyo sa listahan ng mga napili at ibinotong mga siyudad ay isinagawa ni New 7Wonders Cities Founder at President Bernard Weber ng Dubai, United Arab Emirates kasunod ng votes campaign na nagtapos nitong Disyembre 7.

Ang Vigan kasama ang anim pang nabaggit na lungsod na pinal na nagwagi ay ibinoto sa final list matapos ang limang elimination process na nagsimula sa 1,200 entries mula sa 220 bansa sa buong mundo.

Ang Vigan ay dinadayo ng mga turista dahil sa kinikilala itong “world heritage site” na binanggit din sa United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO)-Heritage List of  Sites and Monuments.

ANG VIGAN

CITIES FOUNDER

HERITAGE LIST

ILOCOS SUR

KUALA LUMPUR

LA PAZ

PRESIDENT BERNARD WEBER

SCIENTIFIC AND CULTURAL ORGANIZATION

SITES AND MONUMENTS

SOUTH AFRICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with