PNoy merong karamdaman?
MANILA, Philippines – Kinumpirma kahapon ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte sa isang media briefing na maysakit ang Pangulong Aquino at hindi maganda ang pakiramdam pero pumasok pa din sa Palasyo bandang ala-1:00 ng hapon.
Hindi dumalo kahapon si Pangulong Aquino sa 1st National Competition Conference na ginanap sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.
Ayon kay Justice Sec. Leila de Lima, kaya hindi nakadalo si Pangulong Aquino ay dahil masama ang pakiramdam nito dahil sa sipon at ‘malat’. Hindi din nakadalo si Aquino sa 75th birthday ni GMA 7 President Atty. Felipe Gozon kamakalawa ng gabi na ginanap sa Manila Polo Club, Makati City.
- Latest