130 flights kanselado

MANILA, Philippines - Kinansela ang apat na international at 126 domestic flights dulot ng bagyong Ruby kahapon.

Ito ang inihayag ni Connie Bungad, tagapagsalita ng Manila International Airport Authority (MIAA) bukod dito isinara ang ilang paliparan tulad ng Roxas, Tacloban, Naga, Legaspi, Masbate at Calbayog airport.

Nauna rito, sinabi sa ulat, ang mga tauhan ng Civil Aviation Authority of the Philippines sa ilang mga lugar na tinamaan ng bagyong si Ruby na hindi na nakauwi sa kani-kanilang bahay ay doon na natulog sa kanilang opisina habang binabayo ang kanilang lugar ng ma­lakas na hangin at ulan.

 

Show comments