MANILA, Philippines – Pinag-aaralan na ng grupo ng mga pasahero ang hirit na ibaba sa P7.50 ang pasahe sa jeep.
Kinumpirma ni Elvira Medina, pangulo ng National Center for Commuters Safety and Protection, na nakipagkasundo na sa kanila ang ilang transport groups kaugnay sa bawas pasahe kapag tuluyan pang bumaba ang presyo ng krudo.
Sa kasalukuyan, P8.50 ang minimum na pasahe at hindi pa ito bumababa sa kabila ng sunud-sunod na rollback sa diesel.
Umaabot na sa halos P10 ang naging rollback sa diesel simula nitong Enero.
Aniya, kailangan din naman umanong mabigyan ng konsiderasyon ang riding public dahil malaking tulong sa kanila ang pisong bawas sa pasahe.