Albay, handa na sa APEC opening

LEGAZPI CITY, Philippines – Han­dang-handa na ang Albay para sa Informal Senior Officials Meeting (ISOM) ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) na gaganapin dito ngayong Disyembre 8-9.

Ang ISOM ang napakahalagang pasimula ng sunod-sunod na mga minis­terial and technical conferences ng matataas na opisyal mula sa 21 bansang kasapi ng APEC. Ang naturang mga kumperensiya ay hahantong sa APEC Leaders Summit sa Nobyembre 2015. Ang ISOM sa Albay ang magtatakda ng tono at tempo ng buong Summit.

Host ang Pilipinas ng 2015 APEC Summit at mga paghahandang mga pulong nito na gaganapin sa ilang piling lugar sa bansa.

Ayon kay Albay Gov. Joey Salceda handang-handa na ang Albay na tanggapin ang mahigit 1,000 bisita.

Ang Albay, ayon kay Foreign Affairs Deputy Director General Ma. Angelina M. Santa Catalina, ay napiling host ng mahahalagang kumperensiya ng APEC dahil sa “vitality and dynamism in development despite Pacific risks.”

Show comments