28 kababaihan biktima ng rape araw-araw
MANILA, Philippines – Ibinunyag ni House Deputy majority leader at Makati Rep. Abigail Binay na ?nasa 28 kababaihan at bata ang nagiging biktima ng rape araw-araw sa bansa.
Dahil dito kaya kinuwestyon ni Binay si DILG Secretary Mar Roxas kung bakit hindi nito nasasawata ang naturang problema.
Base sa datos ng kongresista, mula Enero hanggang Setyembre lamang ng taong ito ay nasa 7,785 na kaso ng rape ang napaulat.
Samantalang noong nakaraang taon ay nasa 25 kaso araw-araw ang naitala o kabuuang 9,177 kaso ng rape sa iba’t ibang panig ng bansa.
Dahil dito kaya nangangamba si Binay na umabot sa 10,000 ang bilang ng nasabing kaso na sa kauna-unahang pagkakataon ay pinakamataas na bilang. ?
Kinuwestyon din nito si Roxas bilang civilian head ng PNP kung bakit kapos sa aksyon at resolusyon ang kalihim sa pagsugpo sa malalagim na pag-atake sa mga kababaihan kabilang ang mga bata.
Giit ni Binay na mukhang natutulog sa pansitan ang ilang miembro ng PNP na nasa ilalim ng pangunguna ni Roxas dahil kailangan na rin umano ng mas mahigpit na polisiya para malabanan ang nasabing krimen.?
Giit pa ng kongresista mismong statistics ng PNP ang pinagmulan ng kanyang impormasyon na nasa 7,785 na kaso ng rape ang naiuulat araw-araw batay sa blotters ng pulisya, barangays at iba pang law enforcement agencies.
Kaya nakaaalarma pa umano ay posibleng mas mataas pa ang datus dahil may ilang biktima ang mas ginustong manahimik kaysa humingi ng tulong sa otoridad sa takot na sila’y resbakan.
Dahil dito kaya isinusulong din ni Binay ang imbestigasyon sa pagpapatupad ng Rape Victim Assistance and Protection Act of 1998 kasabay ng kaniyang mungkahi na dagdagan ang women’s desk sa bawat istasyon ng pulis.
- Latest