MANILA, Philippines – Isang bagong sama ng panahon ang namataan ng PAGASA na magpapaulan sa buong bansa partikular sa Caraga region at Eastern Visayas.
Kahapon ng umaga, ang naturang low pressure area ay namataan sa layong 375 kilometro silangan ng Davao City.
Maulap naman hanggang sa maulan sa nalalabing bahagi ng Mindanao at Visayas gayundin sa Bicol region at Mimaropa areas kasama na ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon dulot ng epekto ng LPA.
Pinapayuhan ang mga mangingisda sa nabanggit na mga lugar na maging handa at mapagmasid sa paligid dahil sa banta ng malakas na alon sa karagatan.