^

Bansa

Mayor, 3 pa 10-taong kulong

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinatulan ng Sandiganbayan na makulong ng mula anim hanggang sampung taon si da­ting Baganga, Davao Orien­tal Mayor Gerry Morales matapos mapatunayang lumabag ito sa Section 3(e) ng Republic Act No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) dahil sa maanomalyang pagbili ng auto spare parts.

Kasama ni Morales sa naparusahan ng batas na sinasabing kakutsaba ng una  sina Municipal Engineer Roseller Macayra, Municipal Accountant Emeritos Jovilla at Municipal Treasurer Francisco Jimenez, Jr.

Sa desisyon ng anti-graft court, sinasabing ilang procurement violations ang naisagawa ng naturang mga opisyal sa pagbili ng 10 piraso ng exterior tires noong October 2002  mula sa isang Donald Villademosa, may ari ng  Villtrade Marketing.

Nang busisiin ng Commission on Audit (COA) ang bagay na ito, nalaman na ang abstract of canvass para dito ay hindi naisangguni sa Committee on Awards at ang Purchase Order para sa pagbili ng auto parts ay hindi nakalaan para dito.

Nadiskubre din ng COA na ang Villtrade Marketing ay hindi dealer ng auto spare parts at peke ang  delivery receipts at official receipts mula sa Villtrade at hindi rin para sa pagbili ng spare parts ang Inspection at Acceptance Report dito at hindi rin nai-deliver ang sinasabing mga biniling spare parts.

Bukod sa kulong, hindi na rin pinapayagan pa ang mga akusado na makapagtrabaho sa gobyerno at pinababalik  sa gobyerno ang halagang P101,086.37 na sinasabing pinambili ng spare parts.

Inutos din ng Sandi­ganbayan ang pagpapa­labas ng warrants of arrest laban sa  Canvass at OIC-General Services Officer Reymundo Escamillan at Donald Villademosa na kakutsaba sa anomalya na pawang nakakalaya hanggang sa ngayon. (Angie dela Cruz)

 

ACCEPTANCE REPORT

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

DAVAO ORIEN

DONALD VILLADEMOSA

GENERAL SERVICES OFFICER REYMUNDO ESCAMILLAN

MAYOR GERRY MORALES

MUNICIPAL ACCOUNTANT EMERITOS JOVILLA

VILLTRADE MARKETING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with