Ona malabo na sa DOH

MANILA, Philippines - Walang kasiguruhan kung makakabalik sa kanyang puwesto si on-leave Health Sec. Enrique Ona makaraang magtapos kahapon ang kanyang bakasyon.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, mas mabuting hintayin na lamang ang magiging desisyon ni Pangulong Aquino ngayon kaugnay sa magiging kapalaran ni Ona.

Namataan ng Malacañang reporters si Ona na nagtungo kahapon sa Palasyo sa pagtatapos ng kanyang bakasyon matapos siyang imbestigahan kaugnay sa pagbili ng DOH ng PCV 10 vaccine para sa immunization program gayung ang rekomendasyon ng World Health Organization (WHO) ay PCV 13.

Puwersahang pinagbakasyon ni PNoy si Ona upang maihanda nito ang kinukuwestyon nitong mga detalye at itinalaga si Usec. Janette Garin bilang acting secretary ng Department of Health.

 

Show comments