^

Bansa

Disqualification vs ER Ejercito kinatigan ng SC

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinagtibay ng Supreme Court (SC) ang disqualification case laban kay Laguna Gov. Emilio Ramon “ER” Ejercito bilang gobernador ng Laguna.

Sa inilabas na desisyon ng Commission on Elections (Comelec) 1st Division noong Sept 26, 2013, pinabababa si Ejercito sa pwesto dahil sa overspending sa pa­ngangampanya noong May 2013 elections.

Pero noong Mayo 23, 2014 ay hiniling ng gobernador sa SC na pigilan ang implementasyon ng Comelec ruling.

Sa kabila ng pending petition sa korte, itinuloy ng poll body ang pagtatalaga kay Vice Gov. Ramil Hernandez bilang pansamantalang gobernador.

Pinaboran ng 12 mahistrado ang Comelec resolution habang wala namang pumanig sa kahilingan ni Ejercito.

Ang petition for disqualification ay inihain ni Edgar San Luis.

Lumabas sa imbestigasyon ng Comelec na gumastos si Ejercito ng P6 milyon noong nakaraang halalan gayung hanggang P4.5 milyon lamang ang pinapayagan ng Comelec.

COMELEC

EDGAR SAN LUIS

EJERCITO

EMILIO RAMON

LAGUNA GOV

LUMABAS

RAMIL HERNANDEZ

SUPREME COURT

VICE GOV

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with