Diskuwento para sa batang may kapansanan
MANILA, Philippines - Isinusulong ni Palawan Rep. Franz Alvarez ang panukalang 20 porsiyentong diskuwento sa mga children with special needs (CSN) sa pagbili ng pangunahing bilihin at serbisyo.
Sa House Bill 5158 na inihain ni Alvarez, ang mga CSN ay makakakuha ng 20% discount sa pasahe, mga binbibili nito lalo na sa gamot, bayad sa restaurants at recreation centers, sinehan, circus at carnival.
Ayon sa mambabatas, makakakuha rin ang mga CSN ng libreng medical at dental services sa lahat ng government hospitals o clinics base sa guidelines na ipapalabas ng Department of Health (DOH), Government Service Insurance System (GSIS) at Social Security System (SSS).
- Latest