^

Bansa

Mga parke at pampublikong lugar ginawang sementeryo sa ‘Yolanda’

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nais ni Senator Miriam Defensor-Santiago na silipin ng Senado ang ulat na ilang parke at pampublikong lugar ang ginawang sementeryo para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Ayon kay Santiago, dapat amiyendahan ang mga kasalukuyang batas upang matiyak na may sapat na lupa para sa maayos na libingan at ma­proteksiyunan ang kalusugan at sanitasyon ng mga lugar na sinasalanta ng kalamidad.

“Whereas Congress must intensify existing laws to ensure that enough land is allotted as proper burial grounds to protect Filipinos’ health and sanitation in areas devastated by disasters,” ani Santiago sa kanyang resolusyon.

Maliwanag aniya ang nakasaad sa Article 2, Section 14  ng Saligang Batas na dapat proteksi­yunan at isulong ng estado ang kalusugan ang mga mamamayan at maituro ang pagkakaroon ng “health consciousness”.

Pero napaulat aniya sa isang pahayagan nitong Nobyembre na ilang parke at mga pampublikong lugar sa Tanauan, Leyte ang ginawang public cemeteries.

Bukod pa rito, ilang lupa na accessible sa publiko ang ginawa namang mass graves.

Tinatayang umabot sa mahigit 8,000 katao ang namatay dahil sa Yolanda na nanalasa sa Kabisayaan noong nakaraang taon.

Ilang lokal na residente umano ang nagsabi na nagdesisyon silang ilibing ang kanilang mga patay sa mass grave dahil sa kawalan ng tamang lugar na mapaglilibingan.

AYON

BUKOD

ILANG

KABISAYAAN

LEYTE

SALIGANG BATAS

SENATOR MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

WHEREAS CONGRESS

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with