Garin inisnab ni PNoy

MANILA, Philippines -  Inisnab ni Pangulong Aquino si Health acting Sec. Janet Garin sa pagdating nito kamakalawa ng gabi mula sa Singapore. Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, kabilang si Garin sa mga opisyal na sumalubong sa Pangulo kamakalawa ng gabi sa NAIA terminal 2 pero hindi ito tinawag o kinausap ni PNoy.

Magugunita na naging kontrobersiya ang pagbisita ni Garin kasama si AFP chief of staff Gregorio Pio Catapang sa Caballo island kung saan ay naroroon ang mga peacekeepers na mula sa Liberia na sumasailalim sa 21-day quarantine.

Nilinaw din ni Coloma na hindi na kailangang hu­mingi ng permiso ni Garin sa Pangulo nang bumisita ito sa Caballo island dahil alam naman nito ang tamang health protocol.

 

Show comments