Pinakamalaki at modernong rescue foundation, inilunsad

MANILA, Philippines – Upang makatulong sa mga disaster lalu na kung may mga kalamidad at mga aksidente, pormal na inilunsad ang isang pribadong rescue foundation sa buong bansa.

Ito ay ang Pure Force and Rescue Corporation na ipinakilala noong Biyernes sa Mall of Asia (MOA) Esplanade sa Macapagal Blvd., Pasay City na dinaluhan ng mga opisyal nito sa pangunguna ng kanilang Chairman at CEO na si Jojo Soliman.

Ang Pure Force and Rescue Corp. ay itinuturing na pinakamalaki at pinaka modernong rescue foundation sa buong bansa.

Pangunahing layunin nito ay ang maayos na pakikipagtulungan sa pamahalaan at mga pribadong sector upang mas higit na mapabilis ang pangangasiwa at pagliligtas sa mga mamamayan at negosyo sa panahon ng emergency.

Partikular ng mga naga­ganap na trahedya o mga nararanasang mga kalamidad, tulad ng bagyo, lindol, flash flood, landslide at mga aksidente.

Kabilang sa serbisyo ng Pure Force and Rescue Corp. ay ang pagbibigay ng seguridad para sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga mamamayan sa pamamagitan ng paggamit ng mga makabago at mo­dernong mga kagamitan sa rescue operation at telecommunication.

Sa nais humingi ng ayuda, matatag­puan ang tanggapan nito sa 5th Floor Suite 101, Doña Rosita Building, 2025 Ipil St., Santa Cruz, Manila.

Show comments